Kahit Gan'to Lang Ako

THE ASIDORS


Verse 1

Kay tagal ko nang naririnig ang tungkol sayo Panginoon

Di ko na kailangang lapitan upang marinig ang Iyong Pangalan

Sinabi nila, sinabi nilang may kaligtasan


Ngunit ako’y nabibingi sa mga sinasabi nila

At paulit ulit ding iniwasan

Subalit ay pinadama Mo at binago bigla ang aking mundo

At naunawaan ko na ako ay inibig Mo


Chorus

 kahit gan’to lang ako pinalawak Mo pag unawa ko

Pwede Mo naman akong talikuran at tuluyan nang pabayaan

Oh Diyos ko ano ba ang halaga ko

Tunay Mong pinadama ang Iyong pag-ibig

Kabutihan Mo nananaig sa’kin

Dalangin ko'y Ika'y makapiling

Nawa'y Iyong dinggin kahit gan'to lang ako


Verse 2

Gustong makamit buhay na walang hangganan

Pero paano nalang dahil sa nagawang kasalanan

Nahihiya't di Ka malapitan dahil sa ‘di magandang kagagawan

Walang pag-asa at sa sulok umiiyak


Ngunit nang marinig pangalan ko’y tinawag Mo

Ang magulo kong isipan ay biglang naging mahinahon

Aking kamay hinawakan Mo at nabago bigla ang buhay ko

At rinig na rinig ko ang pagka sabi Mo na ako’y anak Mo


Repeat chorus


Bridge

Patuloy Ka’ng naging tapat sa aming buhay at gumagabay

Panginoon Ikaw ang sasambahin


Repeat chorus 

Ending 

Hhmmmm

Ako’y inibig Mo kahit gan’to lang ako


Comments

Popular posts from this blog

Ginoo Salamat Lyrics - The AsidorS